The Project Gutenberg eBook of Dakilang Asal

This ebook is for the use of anyone anywhere in the United States and most other parts of the world at no cost and with almost no restrictions whatsoever. You may copy it, give it away or re-use it under the terms of the Project Gutenberg License included with this ebook or online at www.gutenberg.org. If you are not located in the United States, you will have to check the laws of the country where you are located before using this eBook.

Title: Dakilang Asal

Author: Aurelio Tolentino

Release date: October 10, 2004 [eBook #13687]
Most recently updated: October 28, 2024

Language: Tagalog

Credits: Produced by Tamiko I. Camacho, Jerome Espinosa Baladad and PG

*** START OF THE PROJECT GUTENBERG EBOOK DAKILANG ASAL ***
[Transcriber's note: Tilde g in old Tagalog which is no longer used is
marked as ~g.]
[Paalala ng nagsalin: May kilay ang mga salitang "ng, mga," at iba pa
upang ipakita ang dating estilo sa pag-sulat ng Tagalog na sa ngayon
ay hindi na ginagamit.]

Dakilang Asal


DAKILANG ASAL


TINULA NI

Aurelio Tolentino



MAYNILA

Imp. "Tagumpay" 15, Plaza Sta. Cruz

1907



Talaan ng Nilalaman

I. PAUNAWA

II. KATUNGKULAN SA M~GA MAGULANG, MAESTRO, KAPATID, KAMAGANAK AT SA LAHAT N~G KAPWA

III. SA PAGLILINIS N~G KATAWAN AT PAG-AYOS N~G BAHAY

IV. SA PAGBIBIHIS

V. SA PAKIKIPANAYAM

VI. SA M~GA PAGDALAW AT M~GA KAPISANAN

VII. SA M~GA PIGING

VIII. SA M~GA LARO

IX. SA LANSAN~GAN AT SA LAHAT N~G DAKONG UKOL SA MADLA

X. SARISARING BAGAY NA DAPAT SUNDIN


DAKILANG ASAL[1]


I

PAUNAWA

O kabinataang bagong sumisibol,
itong abang lagda sa iyo'y patunkol.
Pakatandaan mo itong m~ga hatol
na dan~gal at buhay n~g lahat n~g dunong.

Ang pagpipitaga't pakikipagkapua
ay siyang sagisag n~g pagka-dakila;
kapág sa sinuman ito ay nawala,
iyan ay di dapat, humarap sa madla.

Di sukat ang ganda, di sukat ang yaman,
di sukat ang dunong at lahat n~g inam;
kapag ang sagisag na aking tinuran
ay siyang nawala, ang lahat ay kulang.

Ang pagkamabaít, ang pagka-mahinhin,
ang pagka-matapat at anyong butihin
ay siyang palamuting sa tuina'y dadalhin,
ang iyong ugali upang magluningning.

Sapul pa n~g ikaw ay batang maliit
may tungkulin ka n~g lubhang mahihigpit,
gaya n~g huag bigyan n~g munting ligalig
ang kawawang inang sa iyo'y ninibig.

Ikaw ay lumaki at lumaki naman
ang iyong tungkuling akin n~g tinuran:
n~g una'y ang iyong mundo ay kandun~gan
n~g inang malugod, n~gayon ay ang bayan.

II

KATUNGKULAN SA M~GA MAGULANG, MAESTRO, KAPATID, KAMAGANAK AT SA LAHAT N~G KAPWA

Pipintuhuin mo't panuyuang kusa
ang iyong magulang na mapag-aruga,
sila'y pan~galawa ni Poong Bathala
na dapat igalang sa balat, n~g lupa.

¿May mahal pa kaya sa hinin~gang tan~gan?
Ang iyong hinin~ga sa kanila'y utang.
Ang pinagpalaki sa iyo'y paghirang,
puyat, pawis, hirap at sampu n~g buhay.

Ang kahima't sila ay nan~gahihimbing,
kapag nain~git ka sila'y gumigising;
kinandong-kandong ka at inaliw-aliw
at pinalayawan n~g saganang lambing.

Sa gayong kalaking utang na tinangap
mo n~ga sa kanila'y ¿anong ibabayad?
Alayan man sila n~g lahat n~g lin~gap,
kulang at sa utang mo n~ga'y di pa sukat.

Salamat na lamang at di maninin~gil,
ang puhunan nila'y di ibig bawiin;
sakali ma't sila ay alalahanin
n~g kahit bahagya'y malaki n~g turing.

Pagkagising mo na ay agad n~g hagkan
ang pisn~gi n~g ina't ang sa amang kamay,
kasabay n~g bating malugod na "¡Inay!"
sa ama'y gayon din, ang bati ay "¡Tatay!"

Kung matutulug na saka uulitin
ang halik at bating paalam n~g lambing;
n~guni't sa tui-tui na ito'y bago gawin,
ang kailan~gan nila muna'y siyasatin.

Kung sakaling ikaw ay mapan~gusapan,
sa ano mang bagay kaya'y parusahan,
ay ipag-sayá mo't darating ang araw
na matutunayang iyo'y pagmamahal.

Ang m~ga inali, at ang mga mama,
at ang ina-ama,t ini-ina kaya,
at ang m~ga nuno, at ang matatanda
ay kaila~gang lubos na pintuhuin n~ga.

At ang m~ga iyong lahat na kapatid
ay pakamahalin n~g boong pag-ibig;
sa m~ga alila ay huag magmasun~git
pagka't sila'y kapua, dukha lamang tikis.

Sa lahat n~g tao'y lubos magpitagan,
n~g upanding ikaw naman ay igalang;
sakaling sa iyo sino ma'y magkulang,
kahabagan siya't pagdaka'y talikdan.

Ang maestro'y siyang pan~galawang ama,
ang maestra nama'y pan~galawang ina,
kaya dapat n~ganing pintuhuin sila
at mahaling lubos n~g boong pagsinta.

Binalankas lamang, kung baga sa bahay,
ang iyong ugali n~g iyong magulang;
n~guni't ang maestro'y siyang nagbibigay
n~g dakilang gangda't m~ga kasankapan.

Dahil sa kanila ay maihaharap
ang iyong ugali sa sino mang pantas,
sa pagka't sa dunong ay hindi n~ga salat,
sa lusok na asal nama'y hindi hubad.

At katunkulan mong lubos na mahigpit
sa iyong pag-aaral ang pagsusumakit;
ang lahat n~g turo nila'y isa-isip,
sa lahat n~g hatol nila ay manalig.

Nan~gun~guna sila't ang dala ay ilaw
sa landas n~g iyong madilim na buhay;
tanang hakbang nila ay malapit sundan,
n~g upanding ikaw ay huag maligaw.

III

SA PAGLILINIS N~G KATAWAN AT PAG-AYOS N~G BAHAY

Pagbaban~gon mo na'y agad maghilamos,
magpunas n~g kamay at saka magmumog,
maglinis n~g n~gipin, maghusay n~g buhok,
damit na pangbahay pagdaka'y isuot.

Pagkatapos nito ay agad ganapin
ang datihang iyong katunkulang gawin,
at maminsan minsa'y ang kuko'y putulin
at saka maligong magkubli sa tin~gin.

Ang babayi'y dapat ayusin ang bahay,
linisin ang sahig sampong kasankapan;
sa kani-kaniyang dako ay ilagay
ang lalong maliit na ari-arian.

Bahay na maayos ay parang salamin
n~g nagawing buhay sa pagka-mahinhin;
bahay na magulo'y nagpasabing tambing
n~g ugaling salat sa turong magaling.

Kailan~gang harapi't siyasating lahat
ang sa pamamahay gawang nararapat,
at huag sayan~gin ang kabit nang oras,
magagawa n~gayo'y huag ipagpabukas.

M~ga kasankapang iyong magagamit,
kung saan kinuha ay isawling saglit;
huag pabayaang masira't mawaglit,
pinuhunan dian ay maraming pawis.

Ang itak, ang sandok, ang saro, ang pingan,
ang walis, pamunas, lamesa't upuan,
tanang kasankapang kaliit liitan
may kani-kaniyang dapat na kalagyan.

Makita mo'y kahit iisang karayom
na kakalat-kalat ó kaya natapon,
pulutin mo agad at ilagay doon
sa kung saan dapat, sa lalagyáng ukol.

Karayum ay mura't walang kasaysayan,
n~guni't hindi ito ang siyang kahulugan:
karayum na walá sa dapat kalagyan
ay nagbabalitang musmos ang may-bahay.

IV

SA PAGBIBIHIS

Ang damit na iyong dapat na isuot
ay huag ang masagwa't huag ang dukhang lubos
ang tipon n~g ganda't inam na tibubos
na sa katamtamang sa kulay ay ayos.

Kailan~gang sumunod sa ugaling moda,
n~guni't huag lumampas n~g di tawanan ka,
at huag kang magsuot n~g hindi mo kaya:
ang mahal ay pan~git sa dukhang talaga.

Paka-in~gatan mo ang iyong pananamit.
n~g huag madun~gisan at n~g di mapunit;
mainam ang luma, kung buo,t malinis,
kay sa bagong wasak ó may duming bahid.

Marikit ang murang hiyas kay sa mahal,
kung ang gumagamit ay dukha n~gang tunay;
ang dukhang magsuot n~g aring marin~gal
kahit man binili, parang hiram lamang.

Kahit na sa bahay ay dapat magsuot
n~g damit na puting talagang pangloob,
at huag mong gayahan ang asal na buktot
sa gawing malinaw ... ¡Hubu't hubad halos!

Limutin ang cotso, at magbotitos ka,
ang paa mo't binti upang huag makita:
babaying may puri di dapat magtinda
n~g dapat itago sa alin mang mata.

Botitos ay mura, bukod sa mainam,
at talagang dapat sa mahinhing asal;
cotso't sapatilya ay napakamahal,
sa may hiyang paa talagang di bagay.

Di mo masasabing mahal na tibubos,
sapagka,t matibay kung gawang tagalog:
ang tatlo mang cotso'y masisirang sunod
bago makawasak n~g isang botitos.

At gayon din naman ang medias ay mura,
n~guni at mahal ma'y dapat bumili ka:
iyan n~ga ang tabing, sa mata n~g iba,
n~g binting ma'y dan~gal at ma'y puring paa.

Maging sa bahay ma't maging sa lansan~gan
ay huag mong limutin ang panyong alampay:
alampay ay siyang tabing na tangulan
n~g dibdib-mu't batok sa mata n~g bayan.

Kalsonsilyong puti na hahangang tuhod
ay dapat gamiting damit na pangloob,
ang puri mo'y upang di sumabog-sabog
sa m~ga hagdana't lilipatang bakod.

Ang tapis ay huag mong limutin kailan man,
sa bihis tagalog sadyang kasangkapan:
ang baro at saya kahit mura lamang
ay áko n~g tapis, kung ma'y sadyang inam.

Huag kang maniwalang nagbuhat ang tapis
sa kakastilaang dito ay sumapit:
m~ga nuno natin n~g tapi'y gumamit,
tapis ay nangaling sa taping binangit.

Paka-in~gatan mo ang gawang magbihis,
ang samâ at buti'y dian masisilip;
diyan nahahayag ang tinagong bait,
diyan nababasa ang gawi at hilig.

V

SA PAKIKIPANAYAM

Sa lahat n~g m~ga pakikipanayam
ang nagsásalita'y mabuting pakingan,
sapagka at lubhang kapan~git-pan~gitan
ang di pumapasing sa kasalitaan.

Ikaw ay papakli, kung dapat sumagot,
n~g magandang bigkás, salitang malambot:
ang banlang sabihin ay kuruing lubos,
baka may mapaltik sa m~ga kaumpok.

Huag magbulaan sa alin mang bagay,
palatuntunan mo'y ang katotohanan;
n~gunit sa taya mo'y kung may tatamaan,
mabuti pa n~ganing huag ka n~g magsaysay.

Huag mong sasabatin ang nagsasalita
paka-ilagan mo ang gawang manumpa,
at kung tatawa ka'y huag lakasang lubha
ang tawang malakas ay sa taong dusta.

Kung ma'y nagsasabi n~g salitáng búhay,
batid mo man kahi't ay dapat pakingan,
at huag mong sabihing—"Alam ku na iyan"
ito ay malaking lubhang kapintasan.

Magpakailan pa man ay huag kang sumabat
n~g wikang—"Mali ka"—"Sabi mo'y di tapat"
Sakali mang mali ang ating kausap,
kailan~gang sagutin n~g lubhang banayad.

Ang pakli'y ganito—"Naging iba lamang,
n~g hindi pu kayo ang siyang nagsaysay
n~g gayon, ay di ko paniniwalaan"
sapagka't
... Saka ka naman man~gatwiran.

Kung ang katalo mo ay ayaw duminig
sa sinasabi mong tunay na matwid,
at sumasagot pang bagkus nagagalit,
hayaan mo siya't, huag ka n~g umimik.

Datapua,t sakaling ang makausap mo
ay sadyang mabait, talagang may tuto,
at sa iyo'y sabihing—"Ipatawad ninyo
itong ipapakling abang palagay ko
".

Ito,y sagutin mo n~g boong pitagan,
n~g boong pag-giliw, gaya n~g tuturan
"Ituluy pu ninyo't kikilanling utang
ang pag-akay ninyo sa aking kamalian
".

At magpakailan man ay huag mong sabihing
"Ang sabi ko'y hindi ninyo napaglining."
Kung di ang ganito—"Malabu marahil
ang sinalaysay ko: aking uulitin
."

Kung saka-sakaling purihin ka naman,
ay huag mong sagutin n~g wikang mahalay,
na gaya n~g pakling—"Iyan po'y tuya lamang,
iyan po'y isang biro't kasinun~galin~gan
."

Ganito ang iyong m~ga sasabihin
—"Iyon po'y karan~galang di sukat sa akin;
n~gunit dahil diya,y aking pipiliting
ang pagkamumus ko'y papaging-dapatin
."

Ang bagay na lihim ay huag mong ihayag,
at sa kata-kata ikaw ay umilag,
at huag mong purihin ang iyong kausap,
at huag mong libakin ang di mo kaharap.

VI

SA M~GA PAGDALAW AT M~GA KAPISANAN

Piliin ang oras sa m~ga pagdalaw,
at di ang sa gawing pagkaing agahan,
di ang sa tanghali, di ang sa hapunan,
di ang sa pagtulog at gawang kailan~gan.

M~ga karaniwang dalaw ay sa pistá,
sa araw n~g lingo kung walang gambala,
at ang oras namang pinaka-maganda
ay kung ang hapunan ay naidaos na.

Ang dalaw na m~ga bigay-loob lamang[2]
ay dapat humiksî, ang gayo,y kaila~gan,
at pagpilitan mo ang huag magpaliban
n~g lubhang maluat at iyong bayaran.

Sa alin mang pintô bago ka pumasok
ay huag magmadali't marahang tumugtog;
ang dinadalaw mo'y sakaling nanaog,
ikaw ay magsabi n~g ganitong ayos.

—"Wala pu ba naman silang dinaramdam?"
Pagsagot n~g wala—"Salamat na lamang"
—"Utang na loob po'y ipagbigay alam
na kanila itong ninais kong dalaw
."

—"At tuloy kami po'y ipag-maka-anó....[3]
sa kanilang dan~gal." N~guni't kung sa iyo
sabihin ang gayon, ang isasagut mo'y
—"Aking tutuparin ang utus pu ninyo."

Sa gayo'y agad n~g ikaw ay magpaalam,
isa mong tarheta'y huag na di mag-iwan;
baliin ang isang sulok na alin man
—"Utang na loob po, ito ay iiwan."[4]

Sakaling marami ang m~ga panauhin,
yukuan mo sila't pagdakay batiin—[5]
—"Magandang gabi po"—ang iyong sabihin,
saka ang may bahay ay lapitang tambing.

Pagdakay iabot ang kanan mong kamay,
at ang kamay niya'y upang mahawakan,
—"¿Anu po ang atin? Ang inyong may bahay
at m~ga kasama ¿anu po ang lagay
?"

—"Mabuti po naman at walang may sakit,
at ¿kayu pu naman?"—Ang sagot ay—"kahit
sa alin mang oras ay handa pong tikis
na mapag-utusan sa kayang maliit
."

Kung may kasama kang di kilalang tao
n~g iyong kausap, agad iharap mo,
—"Sila po'y kaibigan: ikadadan~gal ko
ang sila'y iharap n~gayon po sa inyo
."

At ang iniharap naman ay sasagot
—"Bagong tagasuyong napahihinuhod
at sumasa-inyong balang ipag-utos
"
—"Salamat po't kami ay gayon ding lubos"[6]

Kung may kaibigan ka sa m~ga dadatnan,
ang iyong kasama'y iharap din naman;
datapua't huag mong gagawin kailan man,
ang di mo kilala'y agad kakamayan.

Lalo at marami ay lubha n~gang pan~git
na sa bawa't isa ikaw ay lumapit;
yukuan mo lamang sila n~g marikit
saka mo batiin n~g boong pag-ibig.

Ang kasankapan mo'y sakaling batiin,
ialay mo agad n~g wikang magiliw.
—"Walang kasaysayan, palibhasa'y akin,
n~gunit ang akin po'y lubos na inyo rin
."

Ang iyong kausap kung hindi mo alila
ay ipáuna mo sa pagsasalita:
"Kayo po at ako"—at di mawiwika
ang—"Ako po't kayo"—pagka't hindi tama.

At kung marami n~ga ay gayon din naman,
ikaw din ang siyang kahuli-hulihan.
Ganito:—"Kayo po, si Mameng, si Ninay,
si Pepe at ako ang napagtanun~gan
."

Ang m~ga pamagat ay huag mong sambitin
lalo na kung pan~git at masamang dingin,
na gáya n~ga nito:—"Si Daniel na duling,
si Titay na bun~gi, si Kulas na tikling
."

M~ga halintulad ay paka-ilagan
kung nakadudusta—"Aku po'y nawalan;
halimbawa n~gayon kayo ang nagnakaw
"....
ang gayong salita'y kasama-samaan.

Sa m~ga palalo ay huag kang gumaya,
walang bukang bibig kung di ang kanila:
—"Ako po'y ganito"—"Ako po ay iba"
Ang gayon salita'y pan~git na talaga.

Kung ang kausap mo ó sinu man kayâ
ay namaling hindi talagang sinadya,
pagtakpan mo't parang hindi nahalata
n~g upanding siya ay huag mapahiya.

Pakikipagtalo ay iyong ilagan;
n~guni at sakaling mahirap iwasan,
ay salaysayin mo ang iyong katwiran
n~g sabing malambot at katotohanan.

Kung paupuin ka ay iyong piliin
ang huling upuan: n~gunit kung sakaling
ang lusok na dako sa iyo'y ihain,
ay huag kang magtuloy kung di ka pilitin.

Kung isang babayi ang siyang dadatal
lahat n~g dadatna'y dapat magtindigan;
sagutin ang bating kaniyang binitiwan,
lusok na upuan sa kanya'y ialay.

N~gunit kung lalaki ang siyang darating,
ay lalaki lamang ang tatayong tambing;
ang m~ga babayi'y nan~gaka-upu ring
sasagot sa bati ng wikang magiliw.

Dapat na maunang mag-alay n~g kamay
ang nakatataas sa pagkakamayan;
sa m~ga batian ay gayon din naman,
di sukat mauna ang natataasan.

Kaya ang babayi'y siyang nararapat
mag-alay n~g kamay sa makakau-sap
sapagka't saan mang m~ga paghaharap,
ang babayi'y siya ang nakatataas.

Gayon man ay dito'y nakagawian na
ang m~ga lalaki'y siyang nan~gun~guna.
Babayi't lalaki kung kakamayan ka,
kamay mo'y madaling ibigay pagdaka.

In~gatan mong ikaw ay huag magdaan
sa gitna n~g kahit alin mang hárapan;
n~guni at sakaling lubos na kailan~gan,
hin~gin ang kanilang kapahintulutan.

At huág kang humukut na gaya n~g iba
na ang kanang kamay ay iniu-una:
tuid ang katawan "¿Maari pu bagang
ako ay magdaan
?"—"Magtuluy pu sila."

At sakaling ikaw nama'y may gagawing
sandali sa labas, ay iyong sabihin
n~g boong pitagan—"Ipagpaumanhin
pu nila't sandaling sila'y lilisanin
."

Sa pagpapa-alam ay iyong magagamit
ang m~ga sinabing pag-upo't pagtindig;
at kung ikaw naman ang siyang aalis,
sila ay yukuan n~g anyong marikit.

—"Kami pu,y paalam sa kanilang lahat,
mag-utus pu sila sa lahat n~g oras."
—"Magandang gabi po." Kamayan mo agad
ang m~ga may bahay, gayari ang saad.

—"Ang amin pung dampa ay inyo ring tunay[7]
na sa gayong daan at gayon ang bilang.
Hinihintay naming kami'y paran~galang
palagi n~g inyong malugod na dalaw
."

Sagot n~g may bahay naman ay ganito:
—"Inyo na pung alam itong bahay ninyo,
Ninanais naming kayo,y pumarito,
upang sa tui-tui na,y masuyuan kayo
."

Nasabing may bahay kung sadyang may nais
makipagkilala sa iyo n~g mahigpit,
katunkulan niyang dalawin kang tikis
sa loob n~g tatlong araw di lalabis.

At sakaling siya sa iyo'y dadalaw,
ikaw sa kaniya ay magkakautang;
tadhana'y sa loob n~g wawalong araw
siya'y dalawin mo't itoy karampatan.

Kung uubuhin ka ó babahin kayâ,
gayon sa pagdahak saka sa paglura,
ay dapat lumin~gon sa dakong kabila,
ang iyong kailan~gan upanding magawa.

Kublihan pagdaka n~g panyo ang bibig,
upanding ang dumi ay huag tumilansik:
ang mukha mot labi'y pahirang malinis,
at kailan may huag kan lumura sa sahig.

Sa lahat n~g pulong ay lubos na bawal
ang pagsasalita n~g m~ga mahalay,
gayon din ang bulok na kadumal dumal
ay huag mong sabihin at paka-in~gatan.

At huag kang mag-higab, at huag mag-antók
at huag kang mag-unat, at huag mag-kamót,
at huag kang mainip at lumin~gos-lin~gos,
ito'y lubhang pan~git at lisya sa ayos.

Ang anu mang tan~gan n~g iyong kaharap,
na gaya n~g paypay, sakaling malaglag,
pulutin pagdaka't isauli mo agad,
iabot ang tatangnan, sa dulo ang hawak.

Ang alin mang pintong iyong dadaanan,
kung datnan mong bukás, bukás mo ring iwan,
at kung nakasima, isima mo naman,
ito'y siyang turo n~g dakilang asal.

Ang kahit sinu man sa m~ga kalikom
sa alin mang pinto, ay makasalubong,
dagli mong yukuan at saka umurong,
at iyong sabihing—"Sila po'y magtuloy."

N~gunit kung sakaling umurong din siya
at pipilitin kang ikaw ang mauna,
kung hindi rin lamang natataasan ka,
pasalamatan mo at magtuloy ka na.

Ang kahit man sino ang sa iyo'y dumalaw
ay iyong ihatid hangang sa hagdanan:
sákaling madilim ay iyóng tanglawan
hangang na sa loob siya n~g bakuran.

Ang iyong kaibiga'y kung magkakasakit,
ay manaka-nakang dalawin mong saglit;
at kung datnan siya n~g m~ga ligalig,
gayon di'y dalawin, aliwin sa hapis.

Sa araw n~g binyag ó kapan~ganakan
n~g iyong matalik na m~ga kaibigan,
sila'y batian mo n~g masayang liham,
mahiksi ang sukat, n~guni at malaman.

At gayon din naman sa pag-aasawa,
ó sa pan~gan~ganak na lubhang ginhawa,
at sa lahat na n~gang dapat ipag-sayá,
sila ay padalhan n~g liham pagdaka.—[8]

Kung patutun~go ka sa alin mang bayan,
lalo't sa malayo'y lubos na kailan~gan,
bago ka umalis muna'y magpaalam
sa kaibigan mo't iyong katunkulan.

Nguni at kung ikaw naman ay dumating,
katungkulan nilang ikaw ay dalawin,
sapagka't kailan~gang kanilang sabihing
sila'y nagsasaya't umuwi kang magaling.

VII

SA M~GA PIGING

Kung mapithaya ka sa alin mang piging,
huag kang magpauna sa ibang panauhin;
n~gunit huag ka namang mahuling dumating:
isipin mong ikaw ay doon hihintin.

Sa mesang pagkain kung tumatawag n~ga,
hayaang mauna ang m~ga dakilâ;
at gayon din naman huag kang magkusang
maunang tumikim sa alin mang handâ.

Huag kang magmadali't ang subo'y huag lakhan
ang ulam ay huag mong amuyan ó hipan;
ang m~ga kubiertos ay paka-in~gatan,
upang huag kumatog na lubha sa pingan.

Huag mong titigan ang alin mang hain,
at gayon din naman kasalong panauhin
paka-in~gatan mo't huag sasambitin
ang bagay na baka nakaririmarim.

Ang iyong m~ga siko ay huag mong isampa
magpakailan pa man sa kakanang mesa,
kahit anong ulam ay huag humingi ka,
huag namáng pintasan ang kahit alin pa.

Kung di mu man ibig ang dulot na hain,
kahit kakaunti ay kumuha ka rin;
magpakailan pa man ay huag mong sabihing
—"Ang ganyan pong ulam di ko kinakain."

Ang pagsasalita, kung punô ang bibig,
ay bawal na lubos sa dakilang bait,
at gayon din naman ang sadyang pag-gamit
n~g dalawang pan~ga sa pagkai'y pan~git.

Huag mong paapawin ang baso ó copa
n~g tubig ó alak at kahit anu pa;
bagu ka uminom pahiran mu muna
ang iyong m~ga labi n~g laang servilyeta.

Kung maka-inom na ay gayon din naman
ang m~ga labi mo'y pahirang agapan;
at huag kang umihip wari alinsan~gan,
ang gayo,y bawal n~ga sa dakilang asal.

At kung alayan ka n~g iyong kasalo
n~g alak ó kaya maging kahit anó,
sa di mu man kanin ay tatangapin mo
at pasalamatan ang alay sa iyo.

At kung may dadatal na ibang panauhin,
lalot kakilala'y anyayahang tambing.
Huwag kang sumubo at siya,y iyong hinting
makapasok muna at kayo,y lisanin.

VIII

SA M~GA LARO

Kung kayo'y magtipon upanding mag-aliw,
ikaw ay magsaya, n~gunit magmahinhin.
Pinaka matanda ay papamiliin
n~g larong mainam na inyong gagawin.

Sa alin mang laro ay huag kang magdáya
at huag ka rin namang mag-in~gay na lubha.
Kung may alan~ganin dapat pahatul n~ga
sa hindi kalarung m~ga matatanda.

At kung may dumating na iyong kaibigan,
ó sinu man kaya, lalu at maran~gal,
ang ukol sa iyo sa kaniya'y ialay
—"¿Ibig pu ba ninyong makipag-aliwan?"

Sakali at ikaw ay siyang manalo,
sino man ang kulang ay huag sin~gilin mo,
at huag mong sabihing—"Magbayad po kayo"
Pahiwatig lamang—"¿Ang kulang ay sino?"

Isang nananalo'y di dapat umalis,
kung di may malaking dahilang mahigpit;
n~guni at ang talo ay makatitindig
at huag magpakita n~g kaunting galit.

Kung nananalo ka ay huag kang magdiwang
kung natatalo ka'y huag magn~gitn~git naman,
sa laro'y madalas mahalatang tunay
ang walang magaling na pinag-aralan.

IX

SA LANSAN~GAN AT SA LAHAT N~G DAKONG UKOL SA MADLA

Babayi'y di sukat lumakad sa daan
n~g walang kasama at pan~git na tignan.
n~gunit sa lalaki ay hindi kailan~gang
mapag-isa kahit saan mang galaan.

Sa alin mang dako na ukol sa madla
ikaw ay magbihis n~g hindi masagwa;
n~guni at huag naman ang napakadukha,
ó kaya marumi, kung dili may sira.

At kung babayi ka, huag mong pákapalan
mukha mo n~g pulbos, pagka't di mainam:
manipis na pahid marikit na tingnan,
ang kinang n~g balat huag na di maparam.

¿May iinam kaya sa kulay n~g balat
nating kayumangi't makinis, maligat?
Pintor at poeta'y iyan ang pan~garap
sapagka't nandiyan ang buhay n~g dilag.

Paka-ilagan mo ang satsat at daldal,
gayon din ay huag kang magdunung-dunun~gan;
n~guni at huag namang parang piping tunay
pagka't ito'y tanda n~g pagka-walang muang.

Kung may kasama kang dapat na dan~galin
ikaw ay lumagay sa kaliwang piling,
at kung sa banketa'y gumilid kang tambing
sa dako n~g bakod siya'y padaanin.

Kung masalubun~gan ang isang babayi
sa m~ga banketa na aking sinabi
ay dapat gumilid ang isang lalaki
ó bumabang saglit, ang gayon ay puri.

Maging kahit sino ang iyong masundan,
kung ibig mong siya'y iyong malampasan,
ikaw ay bumaba ó gumilid lamang,
sa dako n~g bakod ay huag kang magdaan.

Kung ang kasama mo ay may makausap
na wari ay lihim lumayo kang agad,
upang huag sabihing nakikitalastas
ka n~ga sa usapang di dapat mahayag.

Kung kayo ay tatlo sa m~ga galaan
ay igitna ninyo ang itinatanghal,
n~guni at kung kayo'y magka isang dan~gal,
magka-kulay damit sa tabi ay bagay.

At gayon din naman ang magkasintaas,
sa dalawang tabi sila nararapat,
ang isang mababa ó kaya matankad
ay siyang igitna, ang gayon ay sukat.

Kailan~gan n~gang lubos na iyong isabay
sa m~ga kasama ang iyong paghakbang
kung kayo'y titigil, ang iyong katawan
at ulo'y itayó n~g anyong mainam.

Kung sa m~ga pintô ikaw ay papasok,
hakban~gan ó landas na sadyang makipot,
kung may kasama kang dapat na ilusok,
paunahin siya't ikaw ay sumunod.

Sa m~ga karuage at m~ga, kalesa
kung kayo'y nasakay ay huag kang mauna;
sa piling na kanan paupuin siya,
sa dakong kaliwa doon lumagay ka.

N~guni at kung kiles ang inyong sasakyan
lalut apat kayo'y huli ka rin naman;
sila'y paupuin sa dakong unahan,
sa tabi n~g pinto doon ka lumagay.

Paghintu na ninyo at kayo'y bâbabâ,
ikaw ay maunang umibis na kusà.
kung siya'y babayi ó kaya matandâ,
agad mong abutin alalayang lubha.

Babayin tumitindig sa kaniyang upuan
at anyong aalis, may paroroonan,
ang iyong pagsuyo pagdaka,y ialay:
"Ikadadan~gal kong kayo po'y samahan."

Ito'y kagawian sa asal dakilà,
maging sa dulaan, maging sa pag-galà,
maging sa pagkain kung uupu na n~gâ,
sumaliw sa piano ó tumugtug kaya.

Pagka't sa babayi'y pagdusta n~gang tunay
n~g isang lalaki kung hindi samahan;
kaya,t ang babayi'y nararapat namang
lalaki'y huag hiyain at pasalamatan.

At kung hindi gayo'y mapipintasan ka,
mangmang na babayi, walang munting sigla,
para kang babayin bundok na talaga,
sa ugaling bayan ay di pa bihasa.

Huag mong gagayahan ang m~ga pintasin
ang balang makita'y agad susukatin:
gumagawa nito'y iyong m~ga haling
na hindi nag-aral n~g pagka-mahinhin.

Kung paparoon ka sa m~ga sayawan,
sa m~ga teatro't m~ga kapisanan,
pakatandaan mong iyong katunkulan
ang lalong mabining pagkamatimtiman.

Sa alin mang bagay na sadyang di pan~git
ay huag mong hiyain ang sino man kahit;
magbigay loob ka, na di mo man ibig,
upang purihin ka n~g m~ga mabait.

Alin mang Religion ay huag mong tawanan
m~ga dasal nila ay pagpitaganan.
Ang m~ga ugali sa alin mang bayan
gayon din ay dapat na iyong igalang.

Ang sa protestanteng ginagawang kulto,
at ang kay Mahoma, at ang kay Confucio,
at ang sa Iglesia Filipinang bago
ay iyong igalang, sampu n~g Romano.

Ang ugaling moro, ang ugaling insik,
ang sa amerikano, ang sa m~ga ingles,
kastila,t aleman, ang sa taga bukid
at kahit alin pa,y igalang mong tikis.

Ang iyong Religion ay kahit alin man
at ang iyong ugali,y dalisaying tunay:
hayaan ang iba,t huag ipagputakang
lahat ay masama,t ang iyo'y mainam.

X

SARISARING BAGAY NA DAPAT SUNDIN

Sa harap ng iba ay huag kang magbihis,
magputol n~g kuko, maghilod, mag-ahit,
huag kang magpabahin, magpunas, magwalis
at ang magpaputok n~g daliri,y pan~git.

Bawal na totoo sa dakilang asal
sa harap n~g iba'y makipagbulun~gan;
n~guni at lalu pang kasama-samaan
ang nakikibasa sa bukás na liham.

At gayon din naman ay masamang lubos
ang sa sumusulat kusang panonood;
ang sa nag-uusap naman ay manubok
ay pan~git na lubha at asal na buktot,

Sa harap n~g iba ay huag kang bumahin
n~g napakalakas, sapagka't pan~git din.
Ang labi mut kukó ay huag mong kagatin,
ang m~ga paa mo'y huag pakinigin.

Huag mong gagayahin ang asal mababa
n~g sa bawa't bigkas, isang panunumpa
ang m~ga mahalay salitang salaula
na gaya n~g —¡Kulog! ... ay kahiya-hiya.

Magmatimtiman ka sa m~ga harapan,
ang masayang mukha'y lubos na kailan~gan
ikaw ay n~gumiti n~g maminsan-minsan
at kung matawa ka ay huag mong lakasan.

Kung nakatayu ka't may kakaharipin,
ay huag kang sumandal sa pinto ó dingding;
ang m~ga kamay mo'y huag may butingtin~gin,
ang dalawang paa'y itayong butihin.

Kung naka-upu ka'y ang iyong m~ga hita
ay huag pagpatun~gin sapagka't pan~git n~ga
at huag mu rin namang paunating lubha
ang iyong m~ga paa sa may dakong gitna.

Sa usapang di mo lubos nalilining,
ay huag kang sumisid n~g lubhang malalim:
ikaw ay pumakli, kung bagat may dahil;
ang bawat bigkás mo'y timban~ging magaling.

Ang kahima,t sino,y huag mong pagmamasdang
parang sinisiyasat: ang gayon ay bawal;
n~guni,t titingnan mong sandali kung minsan,
n~g di parang iyong pinagmamalakhan.

Pintasan ang m~ga birong matutulis,
n~guni at kailan~gan ang huag kang magalit:
kung di magsitigil, ay huag kang dumin~gig,
humanap n~g ibang iyong makaniig.

Ang ganda n~g iba,y huag mong kaingitan,
at gayon din naman ang sa ibang yaman;
subali kung siya kay sa iyo,y mainam,
ay ipagtapat mong mainam siyang tunay.

KATAPUSAN

MABUTI ANG BATANG MAY DAKILANG ASAL KAY SA MATATANDANG WALANG NAMUMUAN~GAN DAKILA ANG DUKHANG MAY UGALING MAHAL KAY SA WALANG TUTONG M~GA MAYAYAMAN.



MGA TALABABA:

[1]

Ang DAKILANG ASAL na ito ay akma sa lahat n~g maran~gal na ugali sa Sanglibutan.

[2]

Dalaw na bigay-loob ay ang unang pagdalaw sa isang nagaanyayang dalawin sa kaniyang pamamahay.

[3]

Ang salitang ipagmaka-anó ay siyang katuturan sa tagalog na dalisay n~g maling salitang "cumusta" na nangaling sa wikang kastilang "¿Como está?"

[4]

Ang kahulugan n~g bali n~g tarheta sa alinmang apat na sulok ay dalaw.

[5]

Hindi ang pagyukung pan~git na anaki ay natatakot ó nahihiya, kung di yaong magandang kilos na bahagyang hutok n~g baiwang, kaunting pagbaba n~g ulo at masayang mukha.

[6]

Ang salitang "KAMI" ay nagagamit n~g kahit, iisa't walang kasama, at siyang palaging kagamitan n~g m~ga maririkit managalog, gaya rin n~g salitang "SILA" na ginagamit at ipinapalit sa salitang "KAYO". Sa katunayan n~ga ay marikit pakingan ang PAALAM NA PU KÁMI SA KANILA" kay sa "PAALAM NA PU AKO SA INYO". Marikit pakingan ang "Magtuloy po SILA dine sa AMIN" Kay sa "Magtuloy pu KAYO dini sa AKIN".

[7]

Kung hindi pa nalalaman n~g pinagpapa-alaman ang pan~galan n~g nagpapa-alam, ay kailan~gan sabihin.

[8]

Mga Liham

(LIHAM SA M~GA NAG-AASAWA).

M~ga G. G. Miguel Bantog at

Esther Dalisay.


M~ga piling kaibigan.

Tangapin pu nila ang masigabong tua na ambag niaring loob sa ikaliligaya hangang buhay nang kani lang malugod na pagiisang puso.

Ninanais ku po n~g taimtim sa calooban na abuluyan sila n~g lan~git n~g saganang biaya.

Na sa panunuyo.

Feliza Ilawdagat

Octubre 15-1906.


(LIHAM SA M~GA LUMULUSOK)

G. Jacob Pinkian.

Piling katoto:

Hinatdan kita n~g masayáng paonlak dahil sa paglusok mo sa iyong pinapasukan.

Ninanais kong ikaw ay dumakila sa íkadadan~gal nitong ating lupang tinubuan.

Sumasa-iyo.

Abdon Sinagaraw

Octubre 15-1906


(LIHAM SA NAMAMATAYAN)

G. Concepción Panghalina

Mahal na Ginoo:

Uma-anib pu ako n~g tunay na pagdamay sa kahapisang inilagak sa inyo n~g kamatayang sumamsam n~g mahalagang buhay n~g inyong nasirang kapatid.

¡Sumalan~git nawa siya!

Mag-utos pu sila.

Alberto Manin~gas

Octubre 15-1906.

(LIHAM SA KAPAN~GANACAN)

Ninay na giliw:

Binabati kita n~g boong tua dahil sa araw n~g iyong kapan~ganakan. Uma-anib ako sa iyon~g malugod na kasayahan at ninanais ko n~g taos sa puso na lumawig nawa ang iyong buhay sa gitna n~g lalong maligayang kapalaran:

Tangapin mo ang aking masintahing halik.

Ang iyong

Iday.

Octubre 15-1906.


G. CESAR PAN~GILINAN.

Mahal na Ginoo:

Ikinadadan~gal ku po ang aking pag-anib sa inyong malugod na kasayahan, dahil sa malubay na pagsupling n~g inyong giliw na asawa.

Ninanais kong ang bagong supling ay lumago, mamulaklak at magbun~ga sa ikagiginhawa n~g bayan.

Na sa pagpipitagan,

Leonardo Tagabundok.

Octubre 15-1906.



IMPRENTA "TAGUMPAY"