Title: Alamat ng Ilang-Ilang
Author: Jose N. Sevilla
Release date: August 10, 2004 [eBook #13156]
Most recently updated: October 28, 2024
Language: Tagalog
Credits: Produced by Jeroen Hellingman, Tamiko I. Camacho, Jerome Espinosa
Baladad and PG Distributed Proofreaders. Produced from page scans
provided by University of Michigan.
KATHA NI
MANUNULAT SA "BUHAY PILIPINAS"
Unang pagkalimbag MAYNILA, S.P.—1908
LIMBAGAN NI E.C. ESTRELLA, BUSTILLOS BLG 9, (SAMPALOK) TELEFONO 1199
[Transcriber's note: Tilde g in old Tagalog which is no longer used is marked as ~g.]
[Paalala ng nagsalin: May kilay ang mga salitang "ng, mga," at iba pa upang ipakita ang dating estilo sa pag-sulat ng Tagalog na sa ngayon ay hindi na ginagamit.]
Niaó'y buwán n~g Diciembre at ang malamíg na simoy ay umáanyaya sa tanáng na sumangap n~g maligayang sandalíng iniáalay n~g kaparan~gan, at bagá man dito sa ati'y di kaugalian ang magaksayá n~g panahón sa paglilibáng, ay ilan kong m~ga kaibigan ang nakipagyari sa akin na kami'y maglakbáy sa kagubatan n~g Mindoro, upang doo'y magparaan n~g maligayang panahón sa pan~ga~ngaso.
Hindi naglipat araw at guínanáp namin ang pinagkásunduán at karakaraka'y ang aming m~ga áso'y naka-amóy n~g lungá marahil n~g usa kaya't unahán kamíng sumunód sa tun~go n~g kaniláng m~ga tahulan. Sa pagtugaygáy na iyaó'y nátiwalág akó sa aking m~ga kasama at sumandalíng humimpíl sa lilim n~g isáng mayabong na kahoy na di ko alumana kung anó ang kanyang pan~galán, bagá mang labis akóng nápapataká na sa gayong ilang ay masamyo ko ang di maisaysáy na ban~go na lubháng laganap sa kagubatan na pinaiibayuhan ang ban~go n~g sa tanáng sampaga.
Nakaraán ang isáng malakíng bahagui n~g araw at ang pagkainíp ay sumagui sa akin, sa di pagkárin~gíg n~g anománg hudyát na amíng pinagkasunduan, at di ko naman malaman kung saán sila napatun~go, Kung sukatin ko naman n~g malas ang napakalawak na gubat na namámagitan sa akin at sa kabayanan, ay lubha akóng nalululá sa di matapós-tapos na m~ga dawag, na sumasatitig. Ang panglulumó ay naghari sa aking damdaming di sanáy sa gayóng m~ga ilang at nawalán ako n~g kayang lumayo pá't tuntunin ang landas, sa pan~gan~ganib na sa pagsasápalaran kó'y makásalubong n~g mababan~gis na Tamaraw.[1]
Ano pa't ang pan~gan~gambá'y lumaganap sa aking kalagayan at sa kadahilanang itó'y inihanda ko ang tagláy na baril, upang ipagsangalang kung itó'y kákailan~ganin, subli't lalong lumalâ ang aking pan~gin~gilabot, nang mausisá kong walâ ang m~ga punglong taglay at nahulog sa aming pagtatakbuhan, n~g di ko man lama~g náalumana. Gumiyaguis na n~ga sa akin ang lubháng malaking pan~gan~gambá at n~g tumamà ang aking m~ga titig sa nan~gun~gulimlím na panan~glaw sa Sandaidig, ay napagsiya kong nan~gun~gubli nang nagmamadali sa likod n~g isáng matarik na bundok sa kalunuran.
Ang pag-aalinlan~gan ay namalagui pang sumandali sa pagayóng anyo na nakapan~gin~gilabot na bantá n~g pagkalun~gi at lubháng binabagabag ang di ko hirating kalooban sa gayong kasindak-sindak na kalagayan, nang sa di kawasà'y nakamalas ako n~g isáng matandá, na nagbubuhat sa kalaliman n~g isáng masukal na yun~gib na makubli't mámatâan ko sa kasukalan n~g gubat.
Sa pag-áantay na itó sa inaasahang tagapagtangol marahil sa kapan~ganibang kong kinalalagyang, ay sumaguí naman sa aking ala-ala ang m~ga singaw lupang lagui kong narin~gig sa matatandang alamat na ibinadhâ tuwi na, n~g nan~gamatay ko nang m~ga nuno. Baga mang ang pagkatakot ay labis na nagpapasakit, ay pinapaghari korin sa sárili ang mayamang aral n~g CATOLICISMO, na pinagsikapan n~g aking m~ga magulang na siya kong palaguing panangnan sa anó mang kapan~ganyayang haharap at ang pakatiwalà kong itó'y siyang bumubuhay n~g aking loob.
Sa aking mahabang pánanalan~gin ay dumating din ang inaantabayanan nang hindi man lamang ako nainip at pagkalapit niya sa aking kinalalagyan, ay naulinig ko pa ang ganitong pag-aawit:
Oh hiwagang lagui sa m~ga pan~garap
aliwan n~g laguim na nagpapahirap
Ikaw n~ga ang siyang
wagas kong pag-asa, na magkakandili
sa luoy kong puso na pinakaapi
at tuwi-tuwi na'y
inayop n~g dusa;
at siyang hantungan n~g m~ga paghamak
ang nilun~goy-lun~goy n~g aba kong palad.
Ikaw din ang kusang lubos sumiphayo
sa niluhog luhog n~g aba kong puso;
at dina na awang
mag gawad maglagda n~g hatol na imbi
na siyang papatáy sa abang kumasi't
walang kasalanan
kahit na ano man,
kundi ang sa iyo'y lubos na isuyo
ang iyong nalamang hindi man kinuro.
Kung ang m~ga laguim
at pagkahilahil
siyang magdudulot sa iyo n~g saya
iyo n~g sabihin
at aking gagawin
ang ano mang ibig na ipababata
káhit ikaputi n~g aking hinin~ga.
Pagkaraan n~g kanyang pagaawit ay tumanong.
—Anó, anak ko ang naghatíd sa iyo dito sa ilang na poók?
—Oh! kagalang-galang na matandâ —ang aking tugon—ang maling akalang aksayahin ang panahón sa paglilibang at ligaliguin ang nan~gatatahimik na hayop sa kanilang himpilan.
—Ikaw baga'y nag-iisa?
—Sa n~gayon po; pagka't ako'y napatiwalag sa aking m~ga kasamang hindi ko malaman kung saan nan~gapasuot.
—Lubhang malayo ang iyong kinapatun~guhan.
—Anó pong pook ito?—ang usisa ko sa kausap.
—Itó ang lupalop na pinamagatang Ilang-ilang—ang tugon sa akin.
—Ilang-ilang!... Anó po ang kahulugan niyaón?
—Ah! iyao'y isang buhay,—sumandaling nagkuro ang aking kausap at saka ipinatuloy—Yamang hindi ka rin makababalik sa kabayanan, samantalang hindi umúumaga, ay pakingan mong sumandali ang isasalaysay, kasabay nang anyayang magparaan kamí n~g mapan~glaw na gabi sa kanyang kublihan.
Nagkakaakbay kaming lumusong at hinawi ang nan~gan~gapal na talahiban, samantalang ang sisikdó sikdó kong puso ay nagbabalità sa akin n~g isang bagay na mahalagá.
Sarisaring gunità ang sumaisip, bàlintulot yaring loób; n~gunit hindi ko magawà ang umurong pagkapalibhasà'y lalong ma pan~ganib ang matulog sa parang.
Pagkalipas n~g paglusong namin sa madilim na yungib na kinamataan ko sa matanda, ay sinapit ang kanyang tahanan, doo'y guinanap ang kanyang pan~gakong ibuhay at ang binanguit na alamat ng Ilang-ilang ay sinimulan na.
—Nalaman mo anak ko: Magbuhat nang ako'y gawaran n~g sumpâ n~g Makapangyarihan, ay hindi na ako nagkapalad na makaulinig n~g tinig tao. Laguing guimiguiyaguis sa akin ang bigat n~g kahatulang iyaon sa nagawâng kasalanan, sa hindi rin iba't tunay kong anak na pinag-isipan kong gahisin, n~guni't ang gayong napakahamak ná gawa'y pinagdurusahan ko n~gayon n~g isang napakahirap na parusa, gaya n~g tinitiis kong pagkawalang kamatayan, ó pamamalaguing mabuhay sa ganitong ligalig.
—Paano po ang nangyari?—ang pahanga kong tanong.
—Ako'y isang binatà noon—ang tugon n~g aking kausap—na lubhang mawilihíng paglibangan ang tanang binibini, at lagui kong minamatwid kan~gino man na hindi ano mang kapanagutan sa m~ga ipinasyang "Mabuhay kayo at dumami." ang auking m~ga guinawa. Sa di kawasa'y nagkaroón akó n~g isang anak na napakagandang babayi at sa pag-aakalá kong iligtas sa m~ga hibo n~g mundo, kung siya'y magkaisip, gayon din sakawikaang, baka pagbayad, ay dinala ko n~ga rito sa masukal na ilang, magbuhat pa sa pagkasangól at n~g huwag n~g makilala ang katauhan at maiwasan naman ang laguing pagkapahamak na sinasapit n~g m~ga walang malay.
Ang pan~gan~galaga sa kanya'y ikinatiwala ko sa isang matandang babaying pipi, upang huag niyang makilala ang m~ga hiwaga sa buhay, ang lihim n~g tao, gayon din ang kanyang pinangalin~gan. Sa tuwi tuwi na'y dinadalhan ko n~g ikabubuhay; n~guni't hindi ako na pakikita, upang huag magkapanahong ako'y usisain n~g ano man.
Sa di kawasay nang maglalabing tatlong taón sa gayong pagkakatago ay tinamaan ako n~g kanyang m~ga titig at pumanaw sa akin ang damdaming ama. Nabihag ang mawilihin kong hilig na mangibig kan~gino man, na makapag-aalay sa akin n~g pampawi n~g lagui kong uháw na han~gad, at ito ang nag-wagui sa aking puso.
Hindi na ako lumusong sa kabayanan; ang kanyang kagandahan ay bumihag sa akin, at lubhang sumasal ang paghahan~gad kong putihin ang impok niyang ganda na hindi ko nakita sa boong pinagdaanan sa buhay.
Lumipas ang ilang sandali n~g alinlan~gang itaguyod ang napakahamak kong hinan~gad at naghari din sa akin ang dating iminamatwid na, "tayo'y galing sa magkakapatid mag-aama, at magkakamag-anak" at pinapaghari ko ang kanyang pagkahan~gal na di ipinahihiwatig ang katotohanan n~g aming pagkamag-ama. Siya naman, pagkapalibhasa'y hindi nagkapalad makaulinig n~g tin~gig n~g kanyang kapwa, ay lubhang na aliw sa aking m~ga pangungusap, lalo na n~g maulinig ang matamis na inaawit n~g kanyang ina na napaukit sa aking budhi at siya namang lagui kong inuulit, ay ginawaran ako n~g mahinhing lambing inilin~gay ang kanyang ulo sa aking balikat at lalong naghapdi ang sugat n~g aking puso at sumasal ang aking masamang han~gad.
—Ano pong awit iyaon? Iyaon pu bagang naulinig ko kan~gina.
—Oo; yaon n~ga at inulit ang magandang kundiman.
Pagkatapos ay ipinatuloy ang pagbubuhay.
Dumating ang mapan~ganib na sandali at gumiyaguis na nag-ulol sa akin ang hibo ni Satanas, at inakala ko nang ganapin ang maru~gis na isinabudhi, datapwa't nang isasagawa ko na, ay di naman nagkaroon n~g bahagya man lamang na pagsalansang ang aking anak, pagkapalibhasa'y di natatahong iyao'y sawi sa m~ga kautusan. Inanyayahan kong sumama sa lihim n~g kahoy na ating pinan~galin~gan, na siya kong napiling maguing saksi n~g kapaslan~gan kong kakamtin; anyayang hindi sinalansang kahit bahagyâ at malugod pinaunlakan; n~guni't di pinahintulutan n~g pagkakataon na maganap, ang aking aasalin at isang malakas na buhawi'y binakli ang marupok na kahoy, na niyaong una, ay di man lamang nagagamit sa ano mang kailangan n~g tao at siyang humadlang na nagbigay wakas sa aking kaawa-awang anak.
Kapwa kami napatigalgal sa sumandalin iyaon at ipinatuloy n~g matandâ ang nauntól na ibinubuhay.
—Nang maganap ang malupit na hatol n~g pagkakataon akin nang isinaysay pagdaka'y lumabas ang isang sugo n~g Makapangyarihan at bumigkas n~g ganito:
"Di mo matutuklas ang kamatayan at mabubuhay kang tagapag alaga n~g kahoy na iyang humadlang sa iyong karumaldumal na aasalin."
Lumipas ang ilang panahon at nang aking datnan ang kahoy na yaon ay labis akona napahan~gà sa pagkakamalas na hitik na hitik n~g mababan~gong sampaga at isang hibik ang mamutawi sa akin: "ILANG! ... ILANG! na naguing saksí n~g akin~g pagkalun~gi kailan mo ako patatawarin?"—Muling lumabas ang isa~g sugo at ibinadha ang ganito: Kung kailan, may mapatungo ritong isang tao na mapagsalaysayan mo ng guinanap na sala ay asahan mong pinatawad ka na ng Diyos at biglang nawala ang angel na aking kausap at ang binanguit na taong iyaon na aking pagkukumpisalan ay ikao at dili iba marahil na sugo ring nang Maykàpal, upang pahintulutan Niyang ako'y umakyat sa kaloalhatian n~g lan~git.
Pagkaraan n~g m~ga salaysay na ito'y nawala ang aking kausap at nang aking pinaghahanap, ako'y nagsising.
Ako pala'y nan~gan~garap lamang.
Isang ugaling hanga n~gayon ay taglay n~g m~ga tagarito sa atin ang ipanalubong sa m~ga panauhin ang n~gátaing hitso.
Ang lahat n~g bagay ay maáaring malimutan; datapwa't ang alay na ito na pinagkagawian na lalonglalo na sa m~ga lalawigan ay tunay na hindi nakakalin~gantan, at naguiguing catungkulan na halos, ang maghanda, at gumamit na man, lubha pa't kung ang mag-aalay ay isang binibini.
Dahil sa bagay na itó'y pinag-ukulan ko tuloy ng isang pagkakaabala ang pagtunton kung bakit natuklás ang tatlong bagay na pinaglahok at pinamagatang hitso.
Bakit ang ikmo, bunga at apog ay nagawáng pagsamasamahin, at nagagamit na pang-alay sa m~ga pánauhin?
Itó ang hindi abutin n~g aking pag-hahaká at siya namang pinagpumilitang, kahit banaag ay matuklas ang sanhi, at sa matiyagang katatanong sa m~ga palan~gân~gâ, ay nahalaw ko ang ibubuhay n~gayon; n~guni't totoo kaya ang sinalita sa akin?
Sa ano ma'y tahoin natin.
Isang hapon sa nais kong sumagap n~g malamig na simoy na nakaaanya sa m~ga naaalinsan~ganan, ay nilisan kong sumandali ang lubhang maraming gáwâin at tinun~gong sumandali ang kalapit na nayon n~g Pasay, na siyang nababalitang may malalawak na "ikmuhan."
Dalawang bagay ang nais kong maganap sa isang kilos, at ito n~ga'y ang makasagap n~g malamig na simoy at mapanood naman ang maayos napagkakatanim n~g halamang "ikmo," na, halos maituturing ayon sa kabalitaan, na ang bayang iyaon ay siyang sinisibulan n~g pinakabuting "ikmo" na pinagkakabalahan kong alamin; n~gun't di lamang iyaon ang nápalâ n~g aking paglilibáng at hindi ko man kinukusà ay nakaulinig ako ng isang nakalalaguim na pag-aawit na nagbubuhat sa isang masukal na bulaos na nákakalun~gan n~g makapal na gubat n~g "ikmo."
Tumiguil akong sandali at pinalad namang masapol buhat sa simula ang talaytay n~g kundimang ganitó ang hanay;
Malasin guiliw ko ang daloy n~g tubig
na nagki-kinan~gan sa galaw n~g batis,
malasin ang bula sa pamimilansik
at iyong itulad
sa iyong paglin~gap,
at kung yaon n~ga ang siyang kawan~gis
daglíng kamataya'y akin masasapit.
Gayon din masdan mong napa iitaas
ang maputing asóng naglalakbay ulap,
siyá't pan~ganorin iisa sa malas;
yaon ba'y kawan~gis
n~g iyong pag~ibig?
Kung tunay na gayon, akin n~g talastas
na ang pag-ibig mo'y madaling man~gupas.
Ang paro't parito n~g simoy n~g hangin,
nakapagdudulot n~g lamig at aliw
datapwa't kung gayon ang iyong pag-guiliw,
ay lubos katulad
n~g isang pag-hamak
at wala na akong hihintáy hintaying
matapat sumintang hantun~gan n~g daing.
Lubos akong nasiyahan sa kataong iyaon, at n~g matapos ang mapan~glaw na pag-aawit ay pinapaglakbay ko ang isipan sa kalawakan n~g m~ga hiwaga, hinahalaw doón sa tanang malikmatà, ang isang kagandahang mapag-uukulan n~g matimyas na tin~gig na aking nápakingán.
Pagkalipas n~g ilang sandali, ay sumatitig ko na naman ang nagdidilim na "ikmuhan" at nanariwàng muli ang sanhing ikinapatun~go ko roon, ang dati ring nais na matalos ang pinagbuhatan n~g paggamit at pakikinabang sa isang halamang sakdal han~galay, na gaya n~g "ikmo"; sa di kawasa ay lumapit sa akin at malugod na bumati ang isang matandâ, na tila tunay na kakilala kasabay n~g malugod na anyayang magtuloy sa kalooban n~g kanilang bakuran.
Nang unang bugso, ay suma~gui sa aking loob ang isang malaking alinlan~gan; n~guni't dagling napawi at nanagumpay ang mapiling amuki na ako'y magtuloy.
Pagdating namin sa loob n~g halamanan ay dinatnang nakaluklok sa isang papag-papagan ang isang binibining nápakahinhín ang anyo, na marahil ay siyang pinan~galin~gan n~g mapanglaw na pag-aawit na aking kináhan~gâan.
Matalagháy ang kabuuan n~g kanyang maamong mukhâ; malamlam ang titig kayumanguing kaligatan ang kulay, mahayap ang ilong at nakabibihag ang maramot na n~giting nanasnaw sa kanyang guinumamelang labi.
Isang sulyap na panakáw at pagdaka'y binawi ang biglang tumudlâ sa aking puso at n~g m~ga sandaling yaon ay kanyang binihag.
Tumalilis na biglang tinun~go ang halamanan pagkakita sa akin at pagkua'y pumitas n~g ilang dahong "ikmo."
Di naglao't bumalik sa aming kinaroroonan, muling lumuklok at mabihasang pinagpilas ang m~ga dahong taglay at pinirot na guinawang "hitso."
Di ko sinawaang panoorin ang mahayap na m~ga daliri at tunay kong kinahan~gaan, ang kainamang tumangap n~g panauhin, na, baga mang di lubhang kilala, ay pinagkaabalahang kawan~gis n~g isang lalong matalik na kaibigan; sa biglang sabi ang kaugaliang mag-alay n~g "hitso" ay kanyang tinupad; n~guni't hindi ako marunong n~guman~gà; at sa nais kong mapaunlakan ang kanyang pagkaka-ala-ala, ay kumuha ako n~g kanyang malugod na iniaalay, kasabay n~g isang maguiliw na usisà sa matandâ na kung bakit nátuklás, na ang bun~ga, iyaong mapakla at walang saysay na bun~gang kahoy na di nagtamo n~g ano mang pamagat, at ang "ikmo" na lubhang mahanglay, ay kung mapalahok sa nakapapasong "apog" ay napag-ayaw, at ayon sa naguing hilig na kinaguisnan ay siyang naguing panalubong panauhin.
Nang una, ay inakalà kong ang pag-uusisà ay naaksayá at di ko batid na ang itutugon sa akin ay lubhang mapakinabang at mandi'y mapaniniwalaang iyaon n~gâ marahil ang pinagbuhatan n~g "viciong" n~guman~gá.
Isang ganap na kasáysayan ang kaniyang sinalitâ na uulitin ko n~gayon ayon sa nalabi sa aking ala ala:
Anya'y nang m~ga unang dako, na ang pagn~gan~gà ay hindi pa kilala; ang halamang ìkmo, ay lubhang gumugubat, at sampuong nan~gaglaboy na hayop sa kaparan~gan, ay hindi magtamong pakinabang sa halamang tinutukoy.
Bakit kaya siya pinasibol kung walang kapakinaban~gan?
Maraming pagsusumikap ang guinawa, upang huag n~g muling sumibol, datapua't isang halamang hindi maagad n~g maglilináng pagkapalibhasa'y walang pakinabang at isang himutók na inulit n~g m~ga nahuhuli ang sa kanya'y iguinawad n~g m~ga nauna sa atin.
"Halamang walang pakinabang, kailan ma'y di mamamatay" at ang himutok na tinukoy ay naguing sumpang iniukol n~g m~ga nahuhuli sa ano mang bagay na walang maidulot na kapakinaban~gan.
Isa pang halamang lubhang nanghahaguay na may masagananang bun~ga, ang hindi rin pakinaban~gan at siya namang pinag-uukyabitan n~g halamang "ikmo".
Sa kasaganaan n~g bun~ga n~g halamang ito na, walang mápaggamitan, ay hindi pinágkalooban n~g ano mang pan~galang pagkákakilanlán, gaya n~g sa ibang bun~gang kahoy, yamang hindi rin lamang siya nagagamit, at nan~gasyahan na ang nan~ga-una sa atin na pamagatan siya n~g pan~galang: Bunga.
Ang lahat n~g nakilalang halamang bumubun~ga at nag-dudulot sa m~ga tao n~g ano mang pakinabang, ay nagtamo n~g pan~galawang pan~galang ó pinakasaguisag na pagkakakilanlan; datapwa't ang halamang "bun~ga" ay siyang napakatan~gi na hindi nagtamo n~g biyaya mabinyagan, at ang kanyang puno ay pinamagatan na lamang n~g "bun~ga"
Lubhang maraming salin-saling kaugalian ang yumaon—ang idinugtong n~g matanda—ang m~ga bagong sibul na batbat n~g katalinuhan, ay di nan~gasiyahang siya'y panoorin na lamang at gamiting palamuti sa m~ga kaparan~gan, hindi nayag na siya'y hindi magámit, at lahat n~g sikap ay guinugol upang maangkapán n~g ikapakikinabang sa kaniya; n~guni't ang kanyang tingtin~ging puno ay hindi maagpang sa ano mang paggamitan dahil sa napakarupok, datapwa't isang kataon, (yamang n~ginan~ganlan kataon ang m~ga bagay na nangyayari n~g hindi kinukusà, baga mang ang lahat ng bagay ay nakatakda, na talagang mangyayari) ay isang tanghali umano na ang isang taong hindi pa nakasasapit sa m~ga lupalop na yaon at hindi pa nakakikilala sa dalawang halamang ating ibinubuhay (ang ikmo at bunga), ay sinumpong n~g pagkadayukdok at walang malamang sulin~gan n~g katutuklasan n~g ipagpapatid gutom.
Tinamâan n~g kanyang malas ang puno n~g halamang hitik na hitik n~g mapupulang anaki'y hinog na bun~ga, at sa paniwalang makapagdudulot sa kanyang kagutuman n~g malinamnam na pagkain, ay dagling pumitas at linasa ang pinakalamán; subali't tan~gi sa isang matigas at mapakláng nakapaglalaway, ay walâ siyang nalasap; bagama'y binayaan na sa kanyang bibig yamang lubhang nanunuyo ang kanyang lalamunan at iyao'y nakapananariwà.
Sa malaking kagutuman n~g abang nápaligáw na yaon n~g landasin, ay lumabnot n~g ilang dahon n~g ikmo na nagsusumawang lumingkis sa puno n~g bunga, n~ginatâ rin at ninamnam ang mahan~glay na dahon n~g ikmo, n~guni't hindi tangapin n~g kanyang sikmara at ang laway niya ay lubhang kumakatay; subali't ang hindi kinukusang pagkakahalo n~g ikmo sa bunga, ay nagkatalo at ang pakla at ang han~glay ay nakaayaw at nalasap niya ang isang panglibang na n~gataing nakapagpapasariwa n~g lalamunan. Sa di kawasa ay dumating siya sa isang bahay at sa masidhing han~gad na makakain kahit na anó, ay tinikman ang isang bagay na maputing nasa isang munting pasu-pasuan sa ibabaw n~g bintanà; ang maputing kanyang tinikman, ay apog na ipinanguguhit n~g may bahay sa m~ga panakot n~g halaman.
Hindi niya sinasadya ang pagkakahalo halo n~g tatlong bagay na hindi kilala; n~gunit wari'y pinagtiyap ó itinuro sa kanya n~g pan~gan~gailan~gan ang isang n~gatâing panglibang sa gutom.
Tinaglay niya hangang bayan ang tatlong bagay na kanyang nátuklás at ipinagparan~galan sa m~ga dinatnan.
—Aanhin mo iyan?—ang usisá n~g kanyang m~ga kasama sa bahay.
—Ah!—ang tugon kung nalalaman ninyo ang kapakinaban~gan n~g tatlong ito kung magkahalo—at ipinakitang muli ang ikmo, bunga at apog,—ay walang salang di ninyo pakamamahalin.
—Anong pakinabang ang maidudulot n~g tatlong bagay na iyan?
Bilang tugon ay naglahok at inialay na pinatikmán sa m~ga kasangbahay.
Labis daw na napahan~gà ang m~ga dinulutan sa pagkakalasap n~g isang mabisang pampasariwa n~g lalamunan, at buhat na noo'y pinasimulan na ang pagpapatikim sa bawa't dumating na kasambahay, hangang sa naguing kaugaliang ipanalubong sa panauhin ang hitso.
Ang salitang paglahukin ay itinutumbas nila sa salitang pahitso, at hanga n~gayon ang m~ga panday n~g pilak ay tinataglay pa, ang salitang pahitso sa paglalahok n~g guinto.
Sa pamamag-itan n~g salinsaling kaugalián ay binawas na ang salitang PA, sa hitso yamang yaon ay pangdugtong pan~gun~gusap n~ga lamang.
Pagkatapos n~g malawig na salaysay n~g matanda ay tinikman ko kapagdaka ang inaalay sa akin n~g binibini at doon ko napagsiyá na tunay n~gang nakalilibang at nakapananariwa n~g lalamunan, at kung mahirati na sa pagn~gatâ niyaon ay naipampapawi na raw n~g uhaw at gutom, ang pinagpalang hitso.
Sa lahat n~g iyaon, at sa pan~gan~ga-nib kong ako'y kayamutan ay napaalam na, at nan~gakong muling babalik.
Samantalang binabagtas ko ang ikmuhan ay muli kong naulinig ang mapan~glaw na pag-aawit na bumihag sa aking puso.
Sino kaya ang pinag-uukulan niya n~g m~ga panambitang iyaon?
Siya kaya'y may katipang tumatakuil sa m~ga ipinangako?
Ito ang bumabagabag sa aking sarili nang papauwi na sa bahay at siyang umaanyayang muli siyang sàdyain; n~guni't lubos na nagpasakit ang mabisang panibugho sa kanyang pinag-uukulan at siyang sanhi n~g di ko na muling idinalaw.
Oh! sabay kong natuklas ang pag-ibig at ang HITSO.
Hinihiling sa aking kasayaha'y tulain.
Saan man ibaling yaring pag-iisip
nákikita'y luhà at m~ga pasakit
kahit sa sariling buhay na tahimik
gayon din sa Bayang pinakaiibig
ay walang lumual sa kudyaping tin~gig
liban na sa lungkót at m~ga ligalig.
Sa Bayan ang malas kung aking itanaw
ang nan~gakikita'y pawang kapan~glawan,
magkabi-kabila'y ang pag-íirin~gan
na inihahasik n~g buhíng makamkám at
nan~gagnanais tanghali't igalang
kahit na mahamak ang sariling Bayan.
Sa kabila noon ay bilang pamana
na kanilang alay sa Bayan at Ina,
ay ang pang-aapí at pag-alimura;
ang gayó'y kung aking mapag ala-ala
tinis n~g kudyapi ay n~gán~gapa-n~gapa
at ayaw magbigáy n~g lugod at sayá.
At paghamak lamang, pagsumpa't pag-ayop
daing n~g hinagpís ang itinitibók
nalilimot tuloy ang ugaling bantog
na mahinhi't wagás n~g lahing Tagalog,
dahil sa iilang asal na sumalot
n~g sariling yaman hindi man inimpók.
Ano kayá n~gayon ang aking
gágawín
sa iyong napitang ako'y paawitin
guinaganáp ko man n~g boong pag-guiliw
ay ang lumuluwal na tinis ay daing
at hindi pumulas ang mithi mong hiling...
kasayaha'y nanaw sa aking damdamin
Pagtamanan mo na ang taghóy n~g puso
kahít napípigtâ sa luhang tumulo,
pagka't ang ligaya ay hindi makurong
kusang magwawagui sa madlang siphayo,
na nan~gin~gibabaw sa puring nag-laho,
sa puring salantáng, lugami at hapo
Nakasunod kaya sa hin~gi mo't pita
ang anák na busóng sabík sa ligaya?
Hindi man nasiyahan sapagka't di kaya
ang daliting n~gayon ang iyong ligaya
ay lubos tangapin n~g boong pag sinta:
"HIMIG NG PIGHATING" larawan ng dusa ...
Ang m~ga alamat kung minsan ay tunay na salat sa katotohanan; datapuwa't lubhang kailan~gang buhayin ang m~ga salinsaling balità yamang ang karamihan n~g ating pinaniniwalaan ay badhâ niyaon, at n~g m~ga pangyayari; kaya't ang sasalaysayin n~gayon ay tunay na hindi ko na malaman kung saan ko narin~gig ó kung sa aling kasaysayan ko nabasa bagamang sariwang sariwa sa aking ala-ala ang pagkakapangyayari.
Katanghalian dáw noon n~g buan n~g Marzo, mainit na lubha ang daloy n~g m~ga sinag n~g araw, kaya't ang kaalinsan~ganan, ay di magpatiwasay sa madlâ, lalong lalo na doon sa m~ga pangkating pinag-uusig n~g m~ga batas, doon sa nan~gabubuhay sa pamamag-itan n~g pawis n~g iba at walang bilang himpilan kungdi ang madadawag at masukal na yun~gib sa kaparan~gan; doon sa lupalop na pan~gublihan man ay wala, at paubayang pinasasaksihan sa tumutunghay na lan~git ang tanang kabuhun~gan kanilang lagui nang ikinaaaliw.
Sa panig n~g sansinukob na pinangyarihan n~g buhay na ito, ay wala niyaong mayayabong na halamang karaniwang sumibol sa m~ga kabundukan, na nagkakandili sa tanang magnais na sa kanya'y man~ganlong, doo'y wala n~ga, iyaong malalabay na san~gá n~g nan~gag-lalakihang punong kahoy na naggagawad sa madlâ n~g malalamig na lilim kung katanghalian, at tan~gi sa ilang halamang gumugubat na kawangki n~g palasan ay wala n~g iba pang sumisibol. Ang halamang ito'y mabulo ang pinakakatawan matatalim at nakasusugat ang kanyang m~ga dahon, at walang munti mang maituturing na pakinabang sa kanyá; ang sino mang mapasagui, ay dumadanas n~g isang di magpatahimik na kakatihán kawangki n~g tinatawag nating NALILIPA.
Umano'y sa m~ga kadawagang iyaón nan~gun~gublí ang m~ga may malalaking sagutin sa pamahalaan, pagka't doo'y hindi nakasasapit ang lalong masigasig na kagawad. Apat kataong nagkaisá n~g ugali, at nan~gasawing mamuhay sa pamamag-itan n~g panghaharang, ang kasalukuyang tumatalaktak sa matutulis at nakakapasong batong maliliit na nan~gag-sambulat sa m~ga landasin; ang mainit na simoy n~g katanghalian ay tumutupok sa kanilang m~ga noó at nagparamdam n~g malaking kauhawan; datapwa't ang kanugnog na yaon n~g m~ga lupalop na di sinasapit n~g may matahimik na kabuhayan, ay di sinibulan n~g tubig; doo'y walang m~ga bukal, walang batisan, at walang ano mang pampawing uhaw na matutuklas; kaya't ang pagn~gan~galit ay siyang pinagbubuntuhan, kaayaw n~g pakikiayon, yamang wala namang ibang magawâ.
Sa di kawasa'y nakásalubong sila n~g isang matandang lalaki na sa kanyang anyo, ay tila may isang malaking katan~gian at mandi'y umaanyayang siya'y pakagalan~gin, datapwa't ang sibul na marun~gis na budhing taglay n~g apat na tinutugaygayan natin, ay siyang nanaig, at inakalang pagliban~gan~g uruyin ang kagalang-galang na matandâ.
Ang isa sa kanílá ay siyang unang umaglahi.
—Matandang hukluban, saan ka paro-roon sa ganitong kainitan?—ang pang-unang tanong.
—Ang dugo nito ang ating inumin—ang saad n~g pan~galawa—Kasabay nang bunot n~g itak sa sukbitan na biglang iniyambâ.
—Antabayanan muna nating siya'y tumugon, bago ganapin ang nais—ang saló n~g pan~gatló.
—Magsalita ka—ang paklí n~g pang-apat.
—Aking hinahanap—anang matanda—ang panig na aking tinutuklasan n~g pampawing uhaw.
Sa tuwing hapon—ang dugtong—kung sumasapit ang ikatlong oras ay pinagkakalooban ako n~g Makapangyarihan na makásimsím n~g pampawing uhaw.
—At saan ka naman kukuha n~g maiinóm sa kadawagang ito, na kinaigahan n~g tubig at kinaitan n~g kanyang balong?
—Tingnan natin at tila ito ang makapag-aalay n~g ating kailan~gang di matuklas—ang anas n~g isa sa kanyang kasama.
—Kung ang pagkakatiwala sa kanya'y ating ilalagáy ay matitirá tayo sa isang kabiguan—ang paan~gíl na tugón.
—Narito—anang matandâ—ang lagui kong iniinom kung dumarating ang oras na aking sinambit.
—Dito'y walang batisan...
—Hindi ko kailan~gan ang makikináng na daloy n~g batis, upang ipamawi n~g kauhawan; sa aki'y sukat ang m~ga halamang inyong namamalas, pagka't sa kanya'y nánanamnam ko ang matamis at masaganang katás, sa m~ga oras na ang Sumakop sa tanán, ay nagsabing "AKO'Y NAUUHAW", sa kanyáng Pitóng Wikà, bago naglakbay sa kalowalhatian n~g Lan~git at tinalíkdán ang pagkatáo.
—Tila ito'y may nais magpalaganap dito n~g m~ga katâkatá niyaong m~ga mapagsampalataya n~g kung ano anong kadayaan.
—Ang táong ito'y tila tayo ang pag-lalaruan—ang sabád n~g isá.
—May orasán ba kayong tagláy—ang malumanay na usisà ng matandàng inaaglahi.
—Ang orasán namin ay anyo n~g araw na lumiliglig sa boong Tinakpan.
—¿Anó na kayang bahagui ang ating kinalalagyán?
—Tayo'y nasa ikatatló na n~g tanghali; yaong oras na inaantabayanan mo upang numamnam n~g pinakananais naming pampawing uhaw ... Hayo ipakita mo sa amin ang pagsipsip n~g katás n~g halamang iyong sinambit at kapagkayao'y aglahi lamang ay kaawâ-awa ang iyong sasapitin.
Pagkarin~gig n~g bihigkás na ito n~g nagtatapangtapan~gan tulisan ay lumuhod pagdaka ang matanda at idinaing sa Lumikha ang kanyang kalagayan; at pagkaraos n~g pananalan~gin ay nagtuluyan bumakli n~g m~ga halamanang naroon at pinan~gós na sinipsip ang katás.
Pagkakita nito n~g m~ga tulisan ay nan~gágsitulad sa matandâ at nakipan~gos naman; datapwa't ang kanilang nalan~gap, ay ang di masaysay na hanglay at sa kadahilanang ito'y inasod n~g palo ang kagalanggalang na matandâ hangang sa nalugmok sa m~ga nagkabalibaling san~ga n~g halaman.
Sa gayóng kahabag habag na anyo'y nagturing:
—¡Oh m~ga kulang palad! Darating ang panahón na inyong pagsisisihan ang inasal na kaimbihan; págka't sa inyong panunumbalik sa puok na ito sakaling kayo'y magkapalad na tan~glawan ng pananampalataya sa ating Mánanakop, ay inyong mapagkikitang ang bawa't tilamsik n~g m~ga dugo ko ay sisibulan n~g ganyan ding halamán; subali't ang bawa't dito'y tumubo, ay magdudulot sa katauhan n~g isang malinamnam at matamis na katas, na siyang katutuklasan n~g tanan, n~g isang mabisang pampawing uhaw, pampatid gutom at sangkap sa ano mang kakailan~ganin n~g katauhan, Pinaslang ninyo ang isáng nahilig sa pagninilay n~g mahalagang "PITONG WIKA" n~g ating MANANAKOP, nawá'y siya ninyong laguing pakinaban~gan.
Nakaraan ang isang munting bahagui n~g panahón, ang pagkakataon ay naguing tagapamag-itan upáng ang apat na buhóng ay muling mápabalík sa kanilang pinagdausan n~g huling kalupitan at nang magunitâ nila an~g m~ga hulíng binikás n~g napan~ganyayang matandáng kanilang inumog, ay dumanas silá n~g isáng pagnanais na alamin kung tunay n~gâ ang kaniyang m~ga huling panambitan, at di nalaunan, ay su-matitig nilá ang mayayabong na halamang nagsisupling na pawang malulusog, matatabâ at lubhang mayabong, at siláng lahát ay di nakapiguil n~g gayong bigkás:
¡Tumubo! ... Naganap ang kanyang huling tagubilín.
At sabay na nan~gagsibaklí n~g naturang halaman at kanilang pinan~gós.
Isáng malinamnám at matamís na katás ang kanilang nálasap, at paulit-ulit na binigkás na-matamís ang tubo, na siyang kaipala'y sumapit sa ating kapanahunan at ang salitàng iyaon na niyaong una'y pinalalawig upang ang maguing kahulugan ay supling, n~gayo'y biglâ na kung bigkasín at nakikilala sa pan~galang tubó.
Bilang pasasalamat ay isáng mataós na dalan~gin ang kaniláng pinailanláng sa kalawakan n~g hiwagà at isáng matamís na pag-aawit ang kanilang naulinig na ganitó ang badhâ:
"Ano kayâ yaong tinamâang malas
na nan~gin~gibabaw sa tanang liwanag
nagtaboy na bigla't humawi sa ulap
na pinaglagusan n~g ningning at sinag
at umaanyayang lubusang magalák
yaring abang pusong sinupil n~g hirap?"
"Siya kayâ yaong maningning na Ilaw
na pumapatnugot sa Sangkatauhan,
panan~glaw sa gabí n~g nadidiliman
at sa may pighati'y pang-aliw na tunay
Badhang taga-turo n~g iisang daan
sa m~ga alagad na nan~galiligaw?"
"Oh kulang na kulang yaring pan~gun~gusap
upang patunayan nakikitang sinag,
ayo't nagniningning, anaki'y busilak
sa ibabaw niyaong buntón buntóng ulap,
ayó't bawa't anyo ay isang pagliyag
ang isinasaboy sa puso n~g lahat."
"Siya yaong Pusong Kamahal mahalan
na n~gayon ay ating kinaháhan~gâan
Siya ang dinusta at pinakapaslang
n~g sibat n~g sala n~g Sangkatauhan,
Siya ri't di iba ang kaguinhawahan
at tunay na alíw n~g may kalumbayan."
Dagli silang nagtindig at pinaghanap ang pinagbubuhatan n~g gayong kawiliwiling pag-aawit, at nang kanilang makita'y lubos napahan~gà pagka't dili iba kundi ang kaawâawang matandang kaniláng pinaslang na bigláng nawalâ sa kasukalan n~g gubat.
Ito n~gâ kayâ ang sanhing pinagbuhatan n~g halamang tubo? ...
(Sa laguing pinagalayan n~g m~ga katha ko.)
I
Sa galaw n~g tubig;
gayón din sa himig
na pabalik-balik
sa lalim, at batong pinag saglit-saglit,
doo'y namamasid
n~g abang pag-big
ang kagandahan mo sa linaw n~g batis.
II
Ang itim mong buhok
lugay na nag-sabog
sa maputing batok,
ay siyang anag-ag sa batisa't ilog
sa dakong pag-lubog
n~g araw sa laot
kung makaliglig na sa boong Sinukod.
III
At sa pan~gan~garap
n~g sariling hagap,
aking námamalas
ang iyong larawang sipian n~g DILAG.
Ampunan n~g lahat
na m~ga bulaklak
na níyuyurakan sa m~ga paglakad.
IV
Sa palad na abâ
kung guinugunitâ
ang pagdaralitá
ay namamalas kong ikaw ay may awàng
iniáapulà
sa agos n~g luhà
n~g lunós kong buhay at pusong mahinà.
V
N~guni't ... ¡Pagkasawi! ...
Ang abang ibinudhi'y
hindi namalagui,
Dagling binagabag, at ang pag mumuni'y
kumalag sa tali,
at itiniwali
ang aba kong palad na inilugami.
VI
Bigláng nasiwalat
dini sa hinagap
at ipinamalas
Ang iyong larawang may hinampong in~gat
na nagtutulak
sa aba kong palad
at sa lantang pusong napapawakawak.
Wakás.
[1] Hayop pa sakdal ban~gis na pagkaamoy sa tao'y sinisila; ito'y kawangki n~g kalabaw baga man may kaliitan, at kailan may hindi napaaamo.
[2] Tuláng binikás n~g magandang binibining Natalia Buencamino sa "veladang" idinaos sa, "INSTITUTO DE MUJERES", niyong ika 23 n~g Diciembre n~g taong 1906.
Himig nang pighatì, Tudling, 30.
Mapagpuyat............................P.0.20
Pag-ibig n~g isang General......P.0.20
¡M~ga imbí! (unang bahagui)...P.0.30
Mapagkandili.
¡M~ga imbi! (pan~galawang bahagui)